Ako po ay lubos na nagpapasalamat kay Ginoong Lucio Tan. Binigyan kami ng konkretong bahay. Sa loob ng dalawang taon ngayon lang kami nakatulog ng mahimbing dahil hindi na kami matutuluan tuwing umuulan at hindi kami lalamigin sa simoy ng hangin. Kahit nawala ang mahal kong asawa na tinangay ng bagyong Yolanda, dahan-dahan naman kaming nakakaahon ng mga anak ko dahil meron na kaming bagong bahay na matitirahan muli.
—Sunny A. Canillo
—Sunny A. Canillo
Mahirap lang po kami kaya nahirapan kaming maibalik kaagad ang mga nasira naming bahay. Salamat at dumating ang Tan Yan Kee Foundation sa aming Barangay at isa akong maswerteng beneficiary sa pabahay. Salamat po sa inyo TYKFI. sa pabahay na pinagkaloob ninyo sa amin. Hindi po naming makalilimutan nakatatak sa aming puso at isipan ang tulong na naibigay ninyo sa amin.--Rodolfo M. Duran
Maraming-maraming salamat po sa inyo at mabuti na yung tinutuluyan namin at safe na ang mga apo ko. Dalangin namin sa may kapal na bigyan pa kayo ng kabuhayan at malulusog na pangangatawan at marami pa kayong matulungan kagaya naming mga nangangailangan.
—Rosalinda G. Cruz
Maraming salamat po sa pagbigay ng ligtas at magandang tahanan para sa aming pamilya. Sa nagdaang dalawang taon, ako po ay isa rin sa nawalan ng mga mahal sa buhay. Bukod sa aking ina at ang aking bunsong anak na babae na biktima, hinagupit din po at sinira ang lahat ng bahay at ari-arian naming ng Bagyong Yolanda.
—Jonah B. Pongos
Dahil sa Bagyong Yolanda ako po ay nawalan din po ng mga mahal sa buhay: ang aking ina na dating isang kagawad ng Barangay 90, ang aking nag-iisang anak na si Angela Bito at ang aking tiyahin. Lubos po akong nagpapasalamat na maging isa sa mga napili ninyong bigyan ng pabahay tungo sa pagbangon sa bagong buhay. Sana marami pa po kayong matulungan.
—Joan Villalino Bito